Bugbog sa trabaho? Netizen ibinunyag kwento sa likod ng viral na guro

Inilutang ng isang netizen ang ilan sa mga posibleng dahilan kung bakit nagawa ng isang guro na i-live sa TikTok ang panenermon sa kanyang mga estudyante.

Inilutang ng isang netizen ang ilan sa mga posibleng dahilan kung bakit nagawa ng isang guro na i-live sa TikTok ang panenermon sa kanyang mga estudyante.

Mismong kaibigan ng babaeng guro ang nag-post sa X (dating Twitter), upang ipaliwanag ang kalagayan ng viral na guro.

“She’s a friend of mine & before this video I saw her posts about the injustice of public schools. Filipino major siya & binigyan siya ng maraming workloads & hindi niya major. Somehow, I have the reference of how she dealt w/ everything. The least thing we could do is to be kind,” saad ng netizen na si @Geeky_kin.

“Despite the fact na hindi maganda yung choice of words niya and how she loses control of her feelings and emotions. She needs proper guidance and accountability. I could see her na she learned her lesson. Totoo lang grabe din talaga bata ngayon and I could attest to that,” dagdag pa niya.

Nilinaw rin ng netizen na hindi niya kinukunsinti ang ginawa ng kaibigang guro.

“Also the culture of work is very toxic. I am not tolerating her but if you try to dig the roots of it sobrang nakakasad and everyday we need to deal with this,” aniya.

Marami ang hindi nagustuhan ang pag-live ng guro para sermonan ang kanyang mga estudyante. Naka-dagdag pa sa isyu ang mga binitawan niyang salita sa video.

“Hindi na nga kayo matalino. Masama pa ugali niyo. Wala kayong mararating. Wala kayong lugar sa mundo!” saad ng naturang guro.