BuCor titiyakin sapat na tubig para sa mga bilanggo

Inatasan ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang mga namumuno sa mga bilangguan na tiyakin ang sapat na suplay ng tubig sa kanilang mga nasasakupan.

Inatasan ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang mga namumuno sa mga bilangguan na tiyakin ang sapat na suplay ng tubig sa kanilang mga nasasakupan.

Ito’y upang masiguro na hindi magdurusa sa matinding init ang mga person deprived of liberty o PDL.

“Our facilities are congested and due to the extreme heat that we are experiencing, our PDLs suffered the most, so I want to check on them,” saad ni Catapang.

Kaugnay nito, inatasan din ni Catapang si Senior Supt. Ma. Cecilia Villanueva na magsagawa ng regular na pag-iikot sa mga PDL. Si Villanueva ang acting director ng Health and Welfare Services sa BuCor.

Bukod dito, nagpaalala rin ang BuCor sa mga opisyal ng mga bilangguan na obserbahan ang kalusugan ng mga PDL sa gitna ng banta ng mga nauusong sakit tuwing tag-init.