BuCor, naglunsad ng kadiwa store sa loob ng Bilibid

Nagtaguyod ng kadiwa store sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa kung saan nakabili ng sariwang pagkain ang mga PDL doon, ayon kay Director General Gregorio Catapang Jr.

Naglunsad ng kadiwa store ngayong Biyernes, Setyembre 8, ang Bureau of Corrections sa loob ng New Bilibid Prison (NBP), ayon kay Director General Gregorio Catapang Jr.

“Kanina po nag launch na kami. Ang layunin nito ‘yung mga taga BuCor, PDL man o mga ordinaryong empleyado ng BuCor, pwedeng bumili ng murang pagkain o prutas o gulay,” sinabi ni Catapang sa isang pulong balitaan.

“Tuwang-tuwa sila kasi makakabili na sila ng fresh na pagkain,” dagdag pa niya.

Sinabi pa ni Catapang na nais niyang maglunsad pa ng “Pambansang Bagsakan ng Bigas Para sa Mamamayan,” sa pakikipagtulungan sa Department of Agriculture.

“Sabi ko dito, pagawa tayo ng another kadiwa pop-up store. Pero malakihan na ito. It will cater sa buong Muntinlupa and then the south of Metro Manila,” the Director General said.

Layunin ni Catapang na maging self-sufficient ang mga PDL.

“Kasi kung makapagtrabaho din sila at makalikom tayo ng kaunting income para sa BuCor, eh, balang araw ang BuCor hindi na hihingi ng pera sa gobyerno. Baka pwede pa mag share kami ng kinikita sa BuCor sa darating na panahon,” he said.

Iginiit ni Catapang na nais niyang gawing government center ang kasalukuyang kinatatayuan ng BuCor headquarters.