BuCor: Marcos pinalaya 22 preso

Pinagkaloob ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang executive clemency para makalaya na ang 22 na persons deprived of liberty (PDL).

Pinagkaloob ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang executive clemency para makalaya na ang 22 na persons deprived of liberty (PDL).

Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor), 20 na preso ang nabigyan ng commutation o pagpapababa o pagtatapos ng kanilang mga sentensya.

Ito ay sina Evelyn Palarca, Dioscoro Talapian, Venancio Abanes, Avelino Tadina, Fernando San Jose, Quirino de Torres, Bonifacio Besana, Bernabe Cabrales, Anselmo delas Alas, Arcadio Venzon, Danilo Cabase, Beverly Tibo-Tan, Aurora Ambrocio, Felipe Galarion, Armando Dante, Leopoldo Conlu, Alex Valencerina at Alfredo Toral.

Kinailangan naman nina Roberto Gaut at Pablito Alvaran Jr. na bunuin ang maximum sentence na ipinataw sa kanila bago lumaya.

Habang ang magkapatid naman na sina Alfredo at Leopold Bongcawel naman ang nakatanggap ng conditional pardon.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., ipoproseso ang paglaya ng dalawa kung hindi makakalabag ang magkapatid ng penal law sa loob ng piitan.