BuCor hinimok magbigay ng hiwalay na kulungan sa mga Muslim

Hiniling ng Office of the Presidential Adviser on Muslim Affairs sa Bureau of Corrections (BuCor) na bigyan ng hiwalay na kulungan ang mga Muslim na persons deprived of liberty (PDL).

Hiniling ng Office of the Presidential Adviser on Muslim Affairs sa Bureau of Corrections (BuCor) na bigyan ng hiwalay na kulungan ang mga Muslim na persons deprived of liberty (PDL).

Ayon kay Presidential Adviser on Muslim Affairs Almarim Tilla, kailangan ng hiwalay na pasilidad para sa mga Muslim PDL dahil na rin sa kultura nila pagdating sa pagkain at oras ng panalangin.

“During our dialogue and consultations with our Muslim brothers and sisters with various National government agencies, one of the discussions was the plight and challenges of Muslim PDLs inside our penitentiaries and the suggestion to have a separate prison for Muslim PDLs has been raised,“ pahayag ni Tilla.

Dagdag pa ni Tilla, kahit sa loob ng piitan ay kailangan pa ring isabuhay ng mga Muslim ang kanilang pananampalataya.

Tinatayang may mahigit 2,800 Muslim PDL sa pitong kulungang nasa ilalim ng BuCor sa buong bansa.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na makakarating kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang hiling ng mga Muslim PDL.