BuCor: Halos 500 PDL, nagsasanay maging magsasaka para makalahok sa food security program ng gobyerno

Halos 500 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Palawan ang lalahok sa Reformation Initiative for Sustainable Environment (RISE) for Food Security project, na magsasanay sa kanila sa pagsasaka bilang paghanda sa kanilang napipintong paglaya at pagbalik sa Lipunan.

Halos 500 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Palawan ang lalahok sa Reformation Initiative for Sustainable Environment (RISE) for Food Security project, na magsasanay sa kanila sa pagsasaka bilang paghanda sa kanilang napipintong paglaya at pagbalik sa Lipunan.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr., nagsimula na ang 300 na medium security PDL at 195 minimum security PDL ihanda ang binhi para itanim sa dalawang ektarya ng 201 na ektaryang nakalaan para sa RISE project.

“(This project) will not only contribute to the country’s food sufficiency and security but will also address the agricultural sector’s concerns of aging farmers since the PDLs will be trained as farmers,” ani Catapang sa pahayag ngayong Linggo, Setyembre 3.

Nakikipagtulungan ang BuCor sa RISE Project kasama ang Department of Agriculture (DA) at Department of Justice (DOJ) sa pamamagitan ng paglaan ng nakatenggang lupa sa mga piitan tulad ng Iwahig Penal Farm para sa pagtanim ng mga PDL. Layunin ng programa na makatulong tuparin ang adhikaing food security.

Sa ilalim ng kasunduan, magsisilbing pilot area ang IPPF para sa implementasyon ng proyekto, kung saan inaasahang magkakaroon pa ng agro-tourism at agro-aquaculture sites doon. Gagayahin rin ito sa iba’t ibang mga penal colonies sa bansa.

Sa kabuuang 500 na ektaryang nakalaan para sa RISE Project, 4.5 ektarya ang gagamitin para sa iba’t ibang gulay, 30 ektarya para sa kasoy, isang ektarya para sa prutas at herbs, 0.5 ektarya para sa tilapia, 40 ektarya para sa palay, 400 ektarya para sa livestock, meat at dairy production, at 25 ektarya para sa dilaw na mais.