Bubong Bawat Mamamayang Pilipino! PBBM: Pagtupad sa pangakong pabahay, tuloy-tuloy ang pagtataguyod

Tiniyak ni Pangulong Marcos na ang National Housing Authority ay patuloy na nagsisikap upang makapaghandog ng pabahay sa mas maraming Pilipino pa na nangangailangan ng kanilang titirahan.

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang pagpapatayo sa “safe, quality, and comfortable” sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang matiyak na may masisilungan ang bawat pamilyang Pilipino.

Iyan ang tiniyak ng pangulo sa kaniyang talumpati sa ginanap ng groundbreaking ceremony ng bagong housing project ng National Housing Authority (NHA) sa Bacoor, Cavite.

“Sa kasalukuyan, ang NHA ay patuloy na nagsisikap na makapaghandog ng pabahay sa mas maraming Pilipino pa na nangangailangan ng kanilang titirahan,” saad ng pangulo.

BASAHIN RINBubong para sa bawat Pilipino! Programang pabahay ni PBBM, umaarangkada na sa Metro Manila

Ibinigay rin ni Marcos sa 10 pamilya ang kanilang certificate of eligibility bilang benepisaryo ng mga pabahay sa Ciudad Kaunlaran Phase I sa Molino Village, Bacoor City.

“Hangarin po ng inyong pamahalaan na panatilihing may sapat na pondo upang mapunan ang pangangailangang bahay ng nakakarami. Tuluy-tuloy po ang NHA sa pagbuo at pagtutupad ng programang pabahay para sa pamilyang Pilipino,” dagdag niya.

Ayon sa NHA, nasa 360 pamilya ang magiging benepisaryo sa pabahay sa Ciudad Kaunlaran Phase I.

Sila rin ang mga pangunahing naapektuhan ng mandamus ng Korte Suprema na linisin ang Manila Bay.