BRP Sierra Madre bawal galawin: Duterte umamin na sa kasunduan sa China!

Sa wakas ay personal nang umamin si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa naging kasunduan niya sa China patungkol sa West Philippine Sea.

Sa wakas ay personal nang umamin si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa naging kasunduan niya sa China patungkol sa West Philippine Sea.

Sa press conference ng dating top executive, sinabi nito na totoong nagkaroon siya ng kasunduan sa China.

Iyon ay ang magkaroon ng ‘status quo’ kung saan iniwasan umano ni Duterte na lumala ang tensyon sa West Philippine Sea.

“The only thing I remember was that status quo… No movement, no armed patrols there. As is, where is, para hindi tayo magkagulo,” ayon kay Duterte.

Pumiyok din ang dating Pangulo sa naging pahayag ng kanyang dating spokesperson na sy Harry Roque tungkol sa pagbabawal na magdala ng construction materials sa BRP Sierra Madre.

“As is, where is nga. You cannot bring in materials to repair and improve. Wala ‘yan,” saad ng ex-President.

Matatandaan na sinabi ni Roque na kaya patuloy ang pangha-harass ng China sa mga resupply ship ng Pilipinas ay dahil hindi umano nasunod ang ‘gentleman’s agreement’ ni Duterte sa naturang bansa.