Brownlee walang kalawang! Gilas tinambakan Hong Kong sa Fiba Asia Cup qualifiers

Tagumpay ang Gilas Pilipinas sa kanilang unang sabak sa 2025 FIBA Asian Cup qualifiers kontra Hong King, 94-64, nitong Huwebes sa Tsuen Wan Stadium.

Tagumpay ang Gilas Pilipinas sa kanilang unang sabak sa 2025 FIBA Asian Cup qualifiers kontra Hong Kong, 94-64, nitong Huwebes sa Tsuen Wan Stadium.

Matagal napahinga sa basketball ang naturalized player ng Gilas na si Justin Brownlee.

Ngunit tila kondisyon pa rin ang multiple time PBA champion nang magrehistro ito ng 16 points, seven rebound, seven assists at tatlong steals.

Isa si Brownlee sa nagsindi ng scoring spark para sa Gilas sa third quarter, kung saan nabaon nila ang Hong Kong ng 25 puntos, 71-46.

Samantala, nilaro naman ni Kai Sotto ang isa sa pinakamagandang performance niya suot ang Gilas jersey.

Kumolekta ang 21-year old center ng 13 points at 15 rebounds sa loob lamang ng 20 minutong playing time.

Habang si La Salle star Kevin Quiambao naman ay nanguna rin sa scoring ng Gilas sa kanyang nilistang 15 points.

Si Shiu Wah Leong naman ang bumuhat para sa Hong Kong na may 15 points, ngunit error prone din ang forward ng HK na may limang turnovers.

Sunod na lalabanan ng Gilas ang Chinese Taipei sa Linggo, February 25, sa PhilSports Arena.