Broom makers sa Albay napadali buhay sa bagong infra project ng DPWH

Mas naging madali para sa mga residente ng Manito sa Albay, lalo na sa mga broom makers, ang pagbyahe patungo sa mga kalapit na barangay at bayan para ilako ang kanilang produkto.

Mas naging madali para sa mga residente ng Manito sa Albay, lalo na sa mga broom makers, ang pagbyahe patungo sa mga kalapit na barangay at bayan para ilako ang kanilang produkto.

Ito ay dahil sa katatapos lang na 500-linear meter slope protection project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) 2nd District Engineering Office (DEO).

Ayon sa ahensya, hatid ng P96.4 milyong halaga na proyekto ang seguridad at kaginhawaan sa pagbyahe ng mga residente.

“With the road dike in Barangay Buyo, soft broom producers residing in the area benefited, with the convenience of transporting their handcrafted products and providing residents with security, ease of transport, and mobility to nearby barangays and towns,” ani DPWH Albay 2nd District Engineer Warren Azotea sa isang panayam.

Samantala, makatutulong din umano ito sa pagbibigay proteksyon sa mga residente laban sa baha at pagkasira ng sa mga lupain at agrikultura.