‘Boy Dila’ sa Wattah! Wattah! festival nag public apology: Hindi ako masamang tao

Iniharap sa media ni San Juan Mayor Francis Zamora si Lexter Castro o ang binatang nag trending at binansagang Boy Dila sa Wattah Wattah festival.

Iniharap sa media ni San Juan Mayor Francis Zamora si Lexter Castro o ang binatang nag trending at binansagang Boy Dila sa Wattah Wattah festival.

Humingi ito ng tawad sa mga naperwisyo at naabla nya noong June 24, lalo na sa rider na “binaril” nito ng tubig.

Giit ni Lexter, mabait daw sya at hindi masamang tao.

“Humihingi po ako ng tawad sa mga nagawa ko…sa mga tingin sa akin ng tao…hindi naman po ako masamang tao, mabait po ako.” Saad nito.

Aminado itong apektado na rin ang kanyang mental health dahil sa mga natatanggap na death threats at pamba-bash sa kanya ng mga tao sa social media.

“Actually po, medyo stress na rin po hindi ko na rin po alam kung saan ako lulugar..sobrang dami po ng nagbabanta sa akin, na kesyu babarilin na lang.” dagdag nito.

Umapela rin si Boy Dila sa mga nag fa-fake book gamit ang kanyang pangalan na tigilan na ito.

“Sa lahat ng mga nag fe-fake book sa karamihan po ng tao sila ay naaabala nyo, maawa din po kayo sa mga seller, rider at mga fast food na inoorderan nyo ng pagkain, sa kanila na lang po kayo maawa wag na sa akin.”