‘Boy Dila’ nagbigay helmet, kapote bilang peace offering sa binasang rider

Nagharap na sa opisina ni San Juan city mayor Francis Zamora sina Boy Dila o Lexter Castro at ang rider na binaril nito ng tubig noong Wattah Wattah festival.

Nagharap na sa opisina ni San Juan city mayor Francis Zamora sina Boy Dila o Lexter Castro at ang rider na binaril nito ng tubig noong Wattah Wattah festival.

Sa larawan na ibinahagi ni Mayor Zamora, makikitang nagkamay ang dalawa sa harap ng alkalde.

“Noong nagbigay si Lexter Castro ng public apology, binanggit niya na gusto niya sana makaharap yung rider na binasa niya upang makahingi siya ng paumanhin ng personal. Kaya atin pong hinikayat and rider na pumunta sa San Juan City Hall para ito ay ating maisakatuparan,” saad ni Zamora sa kanyang Facebook post.

Humingi na raw ng tawad si Boy Dila at napatawad na ito ng rider, binigyan pa sya ni Lexter ng helmet at kapote.

“Kahapon, pumunta na po si manong rider sa aming tanggpan at ngayon araw po ay nakapagharap na sila ni Lexter sa ating opisina. Humingi si Lexter ng paumanhin kay manong rider at hinandugan niya ito ng helmet at kapote. Tinanggap ni manong rider ang paumanhin at pinatawad niya si Lexter sa mga nagawa nito sa kanya,” dagdag ng alkalde.

Nagpaalala si Zamora na magsilbing aral sa lahat ang kaso ng dalawa, na palaging irespeto ang kapwa at huwag gumawa ng bagay na makakapanakit, pisikal man o emosyonal.

“Nawa’y magsilbing leksyon ito sa ating lahat na parati tayong dapat magbigay ng respeto sa kapwa at huwag tayong gumawa ng anumang bagay na maaaring makasakit sa ibang tao, pisikal man o emosyonal.”