Boy dila! Lalaking nag-trending sa Wattah! Wattah! pumalag sa basher

Pumalag sa mga bashers ang lalaking nag-trending sa Wattah! Wattah! Festival matapos mahuli sa video na nanutok ng water gun at nambasa sa motorista.

Pumalag sa mga bashers ang lalaking nag-trending sa Wattah! Wattah! Festival matapos mahuli sa video na nanutok ng water gun at nambasa sa motorista.

Depensa ni Lexter Castro, ang lalaki sa viral video, ‘di niya sinaktan ang motorista at binasa lang dahil fiesta sa San Juan City.

Dahil sa kanyang asal, binansagan siyang si “Boy Dila” sa social media.

“Sa unang-unang ha ‘di ko sinaktan si manong binasa ko lang siya nagpaalam ako sa kaniya “kuya babasain kita” sabi niya hindi puwede kasi may meeting siya eh binasa ko pa rin, fiesta eh,” paliwanag ni Castro sa isang video habang may hawak ulit na water gun.

Dagdag niya, huwag nang dumaan sa San Juan kapag Wattah! Wattah!

“‘Wag kayong dadaan ng San Juan kapag June 24 alam ng mga taong bayan yan,” aniya.

Mas lalo lamang binatikos si Castro sa social media dahil sa paliwanag niya.

“Mayor Francis Zamora, sama mo na ‘to sa listahan mo,” sabi ng isang Facebook user.

“Hahaha deffensive na siya nung nalaman niyang pwede kasuhan yung mga namerwisyo sa mga na perwisyo,” komento ng isa pa.

“Proud ka pa talaga, ha?” tanong ng isang socmed user.

“Ma, anong ulam,” sarkastikong komento ng isa pang netizen.

PANOORIN: