Bossing manliligaw dapat! Toni Rose binasted si Vic Sotto

Hindi hinayaan ni Toni Rose Gayda na ligawan siya ni Vic Sotto noong siya'y nasa 'Eat Bulaga' pa.

Hindi hinayaan ni Toni Rose Gayda na ligawan siya ni Vic Sotto noong siya’y nasa ‘Eat Bulaga’ pa.

Sa panayam ni Julius Babao kay Toni Rose, sinabi nito na nagparamdam daw sa kanya si Vic.

Pero selosa daw kasi siya kaya hindi niya na hinayaang mahulog ang kanyang sarili sa kanyang co-host sa ‘EB’ noon.

“Hindi ko pinayagan. Maybe, ganon (nagparamdam) konti,” wika ni Toni Rose.

“Pero kasi mahirap kung karelasyon mo ‘yung kasama mo mahirap lalo for me kasi nga sabi ko selosa ako,” aniya pa.

Binunyag din ni Toni Rose ang dahilan kung bakit siya umalis sa longest running noontime show noong 2014.

Aniya, nagkasakit ang kanyang ina pati ang kanyang dalawang anak. Kaya naman nahiya siya sa mga producer ng ‘Eat Bulaga’ dahil hindi niya maibibigay ang kanyang best sa noontime show.

“I talked to Malou (Choa-Fagar), sabi ko aalis na lang ako. Sabi niya, ‘Does that mean you’re resigning?’ Una indefinite leave. Sabi ko, ‘Siguro Malou, ganon na nga’ kasi I’ll have to attend muna to my mom and my kids kasi kailangan talaga tutok,” lahad ni Toni Rose.