Boss Toyo binili CD, sexy magazines ni Diana Zubiri

Nagka bentahan na! Nakaharap na ni Boss Toyo ang idol nitong si Diana Zubiri matapos nya ito maging customer sa kanyang Pinoy Pawnstar business.

Nagka bentahan na!

Nakaharap na ni Boss Toyo ang idol nitong si Diana Zubiri matapos nya ito maging customer sa kanyang Pinoy Pawnstar business.

Nagbenta si Diana ng ilang CD at sexy magazine kasama ang kontrobersyal na bikini shoot nya noong 2007 sa EDSA flyover.

Ikinwento pa ni Diana, hindi raw pinayagang ilathala sa FHM magazine ang kanyang bikini shoot kaya inedit ito.

“Noong nag-shoot ako rito naka-bikini talaga ako. Noong nagalit sila at nagkaroon ng issue, hindi ko raw pwedeng ilabas yung totoong suot ko. So inedit nila.
Naka-bikini talaga ako,” saad ng aktres.

“Hindi puwedeng ilabas kasi makukulong ako. Nagkaroon kami ng hearing noon. So nag-public apology kami. Yung magazine also. So hindi nila nilabas yung nagcause ng traffic. Pero hindi naman masyado.”

Unang nagkatawaran sina Boss Toyo at Diana sa halagang 5,000 pesos sa lahat ng dala nitong magazine at CD, tumaas pa ito sa 8,000; at naging 10, 000.

Pero humirit si Diana at nag birong kulang pa.

Sa huli nagkasundo ang dalawa sa halagang 400 dollars o 23, 404 pesos.