Boso pa more! Pinoy, buking sa paglalagay ng camera sa banyo ng cruise ship

Kalaboso ang isang Pinoy na nagtatrabaho bilang crew ng isang cruise ship matapos madiskubre ang kanyang kamanyakang taglay, kung saan naglalagay siya ng mga spy camera sa banyo ng kanilang mga guest.

Kinilala ang suspek bilang si Arvin Joseph Mirasol, 34-anyos, isang stateroom attendant ng barkong Symphony of the Seas.

Ayon sa ulat, Pebrero 25 nang makita ng isang babae at ng dalawa nitong anak ang isang camera na nakakabit sa lababo ng kanilang banyo.

Na-detain muna si Mirasol sa barko at pagdaong nila sa Florida, USA ay dito na siya sinampahan ng mga kasong voyeurism at possession and production of child pornography.

Napag-alaman din ng mga imbestigador na may USB si Mirasol na puno ng mga video ng mga babaeng nagbibihis sa banyo. Naungkat din ang ilang mga video kung saan nahuli ang suspek na nagkakabit ng mga hidden camera sa banyo ng isa nilang guest.

Umamin naman ang suspek sa kanyang ginawa.

“I want to control it, but I can’t,” aniya. “If I like who is in that room, I place it.”