Boses ng mamamayan, dapat pakinggan!!! Kamara, wapakels sa People’s Initiative pero suportado ang Cha-Cha—Romualdez

Nanindigan si House Speaker Martin Romualdez na walang kinalaman ang Kamara sa isinusulong na People's Initiative, pero ginagalang nito ang nasabing inisyatibo, na tinawag ni ng Speaker na “purest form of democracy” kung maisasagawa sa tamang paraan.

Muling iginiit ni House Speaker Martin Romualdez na walang papel ang House of Representatives sa isinasagawang People’s Initiative (PI) ng ibang mga grupo upang maamyendahan ang Saligang Batas.

Gayunpaman, ginagalang nito ang nasabing inisyatibo, na tinawag ni Romualdez na “purest form of democracy” kung maisasagawa sa tamang paraan.

“The People’s Initiative stands as a direct expression of the people’s will, providing a means for citizens to propose constitutional amendments,” giit ni Romualdez sa isang pahayag nitong Martes, Enero 23. “The House does not endorse or sanction direct participation by its members in signature gathering, ensuring the process’s integrity and independence remain intact.”

BASAHIN RIN: Fake news, as usual! Romualdez, walang kinalaman sa People’s Initiative para sa Cha-Cha—House official

Kaugnay niyan ay mariing tinuligsa ng Speaker ang mga alegasyon ng panunuhol para maisagawa ang PI.

“I vehemently denounce any allegations of bribery or unethical practices in persuading citizens to sign the petition for the People’s Initiative. Such actions, if true, would violate the initiative’s spirit of honest and voluntary participation and erode our democratic foundations,” saad niya.

Sa kabila ng mga kontrobersiyang kaakibat sa isinusulong na Charter Change (Cha-Cha), nanindigan pa rin si Romualdez na kailangan ito, partikular na ang pag-amyenda sa mga probisyong may kinalaman sa ekonomiya.

“We are committed to ensuring that proposals are processed in accordance with legal and constitutional guidelines, maintaining the integrity of our Constitution…,” aniya. “We are here to support and respect the outcomes of this process, affirming the People’s Initiative as the purest form of democracy.”

BASAHIN RIN: Anumang paraan, dapat pa rin matuloy na ang pag-amyenda! Grupong pro-PBBM, itinutulak ang Con-Con para sa Cha-Cha