Boobs ni Alex Gonzaga, nilapirot sa Ormoc!

Nag-viral sa social media ang insidente kung saan dinaklot ang dibdib ni Alex Gonzaga ng isang fan sa gitna ng kanyang pagbisita sa Ormoc City kamakailan.

Nag-viral sa social media ang insidente kung saan dinaklot ang dibdib ni Alex Gonzaga ng isang fan sa gitna ng kanyang pagbisita sa Ormoc City kamakailan.

Sa Instagram reels na pinost ni Alex, ipinakita niya ang eksaktong pangyayari kung saan makikita ang kamay ng fan na biglaang dumapo sa kanyang dibdib.

“Gusto ko lang naman makamayan ang mga taga-ORMOC. Kala ni Ate asawa ko nadibdiban niya, tumili pa eh! Akin yung nilapirot mo the!” pagka-caption ni Alex.

Nakabalot man ng jacket ang buong katawan ni Alex, nakuhanan pa rin ng video ang insidente kung saan isang babae ang biglang dumaklot sa kanyang dibdib habang ito ay naglalakad kasama ang kanyang mga bodyguard at asawang si Mikee Morada.

Ang naturang insidente ay ginawa pa ni Alex bilang biro at sinabi na “the story of my life as a flat girl” kaya hindi naman daw siya makakaramdam ng anumang sakit o perwisyo. Aniya pa, “Ganito talaga ang buhay ng isang flat girl!”

Umani naman ng samu’t-saring kumento mula sa netizen ang naturang video ukol sa hindi tamang paggalang sa privacy ni Alex.

Pinagtanggol naman ni Alex ang fan at ayon sakaniya, excited lang daw ang babae at wala namang masamang intensyon na mahawakan ang dibdib nya. May mga barikada naman at nagkakagulo ang mga tao, kaya hindi rin agad naagapan ng mga bodyguard niya.

Sa kabila ng lahat, nagbigay pa rin ng paalala si Alex sa kanyang mga tagasuporta na mag-ingat sa mga ganitong pagkakataon, lalo na sa mga pampublikong lugar na puno ng tao.

Samantala, hindi pinalampas ni Alex ang isang netizen na nag-comment ng “ang aga namang pangangampanya nyan.” Sagot ni Alex, “Ang layo po ng Lipa sa Ormoc.”