Boobay nahimatay habang nasa stage

Nahimatay ang komedyanteng si Boobay habang nagho-host sa isang fiesta sa Aparri, Cagayan nitong Martes.

Nahimatay ang komedyanteng si Boobay habang nagho-host sa isang fiesta sa Aparri, Cagayan nitong Martes.

Makikita sa livestream ng event sa Facebook page ni Vice Mayor Rene Chan ang biglang pagbagsak ni Boobay habang nasa stage.

Bigla na lang tumigil sa pagkanta si Boobay at tinutok ang camera sa kanyang co-host na si Pepita.

Matapos nito’y bigla na lang makikitang natumba sa stage si Boobay, na kaagad namang nilapitan ng mga staff member.

Nagkaroon ng break ang livestream at pagbalik ay bumalik na sa stage si Boobay para ipagpatuloy ang performance.

Sa X (dating Twitter), sinabi ni Pepita na okay na ang kondisyon ni Bobay.

“Sa mga taga-Aparri, maraming salamat po!!! OK na po si Boobay nagpapahinga na po dito sa hotel. Maraming salamat po!!! God bless po!!!” ayon kay Pepita.

Matatandaan na sa ‘Fast Talk with Boy Abunda ay tila biglang nawalan ng malay si Boobay habang nasa gitna ng interview.