Bonus system, pinaayos ni PBBM

Ipinatupad ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang Executive Order No. 61 upang suspindihin ang implementasyon ng Administrative Order No. 25 (s. 2011) at Executive Order No. 80 (s. 2012) na tumutukoy sa Results-Based Performance Management System (RBPMS) at Performance-Based Incentive (PBI) System sa lahat ng department at ahensiya sa Executive branch ng pamahalaan.

Ipinatupad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order No. 61 upang suspindihin ang implementasyon ng Administrative Order No. 25 (s. 2011) at Executive Order No. 80 (s. 2012) na tumutukoy sa Results-Based Performance Management System (RBPMS) at Performance-Based Incentive (PBI) System sa lahat ng department at ahensiya sa Executive branch ng pamahalaan.

Ayon sa Malacañang, ang RBPMS at PBI system ay “duplikasyon at redundant” sa ibang internal at external performance audit at evaluation systems ng gobyerno.

Bukod dito, kulang umano ito ng review mechanism, kaya’t natatambakan ng mga patakaran, regulasyon, at pag-uutos mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) sa Pagpapahusay ng Pambansang Pagsubaybay, Impormasyon, at Reporting System ng Pamahalaan.

Idinagdag nito na “imperative” o kinakailangan na i-streamline, i-align, at i-harmonize ang RBPMS at PBI System upang mas maging responsive, efficient, agile, at competent bureaucracy ang pamahalaan

“It is imperative to streamline, align and harmonize the RBPMS and PBI System with ease of doing business initiatives, and reform the government performance evaluation process and incentives system towards a more responsive, efficient, agile and competent bureaucracy,” ayon pa sa Executive Order No. 61 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Ang pagpapatupad ng EO No. 61 ay bahagi ng mga inisyatiba ni Pangulong Bongbong na maglaan ng mas mabilis at epektibong serbisyo sa publiko.