Bongalon gusto bulatlatin katauhan ni Alice Guo

Maging si Ako Bikol Party-list Rep. Jil Bongalon ay naaalarma na sa misteryosong pagkatao ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Maging si Ako Bikol Party-list Rep. Jil Bongalon ay naaalarma na sa misteryosong pagkatao ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa isang press conference ngayong Lunes, inihayag ni Bongalon na kailangan ding imbestigahan ng Kamara ang pagkakakilanlan ni Guo.

“On the issue of Mayor Alice Guo, I guess it’s a possibility to have a parallel investigation here in the House of Representatives because this is very serious and at the same time very alarming,” saad ni Bongalon.

“Imagine a Chinese, well allegedly isa pong Chinese person, was able to register herself 17 years after na siya po ay ipinanganak, so late registration po ‘yung nangyari,” aniya pa.

Unang lumutang si Guo sa pagdinig ng Senado hinggil sa kaugnayan niya sa ilegal na gambling site sa Tarlac. Dito na nahalungkat ang kwestiyonable niyang pagkatao gaya ng kawalan ng record sa eskwelahan at pagamutan kung saan siya ipinanganak.

Sa kabila ng nakapagatatakang karakter, nanalo si Guo bilang alkalde ng Bamban noong 2022.

“This concerns about the citizenship of this particular individual, lalong-lalo na we are talking about a public official, and under our Constitution, those who want to serve our country and to join the electoral process as candidates for a local position, they should be Filipino citizens,” dagdag pa ni Bongalon.