Bong Revilla tatakbo ulit senador sa 2025

Kinumpirma ni Cavite 1st District Representative Jolo Revilla na muling tatakbo bilang senador ang kanyang ama na si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa 2025 midterm elections.

Kinumpirma ni Cavite 1st District Representative Jolo Revilla na muling tatakbo bilang senador ang kanyang ama na si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa 2025 midterm elections.

Ayon kay Jolo Revilla, tatakbo ang ama sa illim ng Lakas Christian Muslim Democrats (Lakas CMD).

Ang naturang partido ay kaalyado ni President Marcos’ Partido Federal ng Pilipinas at iba pang partido na sumusuporta sa administrasyon.

Matatandaang kamakailan ay una nang kinumpirma ng Senador na siya ay tatakbo sa kaparehong posisyon sa susunod na taon.

“Next year panahon na ng pangangampanya uli. I’m running for reelection. Akala n’yo ibang posisyon,” saad ni Sen. Bong.