Bong Revilla napilayan sa shooting ng ‘Alyas Pogi’

Nauwi sa disgrasya ang unang araw ni Sen. Bong Revilla sa shooting ng pelikula niyang 'Alyas Pogi 4'.

Nauwi sa disgrasya ang unang araw ni Sen. Bong Revilla sa shooting ng pelikula niyang ‘Alyas Pogi 4’.

Naglabas sa Revilla ng isang video sa kanyang social media page kung saan makikitang nakahiga siya sa isang ospital.

Dito na niya ikinuwento ang kanyang sinapit sa shooting.

“’Yung aking Achilles tendon ay medyo may partial tear kaya kailangan ng operation,” wika ng senador.

“You know, may mga pangyayari na hindi mo maiiwasan kaya mangyayari talaga ‘yon,” dagdag pa ni Revilla, na humingi ng dasal sa kanyang mga taga-suporta.

“Pero na-MRI na po ako kanina at sinabi nga ng doktor na fifty percent ng aking Achilles heel, e, na-tear dahil sa pagtakbo. Dahil sa sobrang bilis ko raw tumakbo,” kwento pa ni Revilla.

Aniya, aabot ng mula tatlo hanggang limang buwan bago gumaling ang kanyang injury.