Bomb maker ng NPA timbog sa Bicol

Nasakote ang bomb maker ng isang rebeldeng grupo sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Pio Duran, Albay.

Nasakote ang bomb maker ng isang rebeldeng grupo sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Pio Duran, Albay.

Nadakip ng pulisya si Ramir, na may iba’t ibang alyas tulad ng Aresio Opesa, Disoy, Andro at Domeng.

Ang suspek ay kinilalang opisyal ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Bicol.

Nakuha sa bahay ng suspek ang iba’t ibang uri ng improvised explosive device (IED), kalibre .45 baril, at iba pang kagamitan sa paggawa ng bomba.

Nanatiling nakakulong ang suspek sa Pio Duran Municipal Police Station (MPS).

“We commended the efforts of the operating team and reiterated the unit’s unwavering commitment to combating all forms of violence perpetrated by such lawless elements, which have proven detrimental to the peace and security of the region,” ayon kay Bicol Region Police Director Brig. Gen. Andre Dizon.

Patuloy na hinihikayat ng kapulisan ang mga natitirang miyembro ng NPA na sumuko at magbalik loob sa pamahalaan.