Bohol governor, iba pang kawani, suspendido dahil sa Chocolate Hills resort!

"I shall return."

“I shall return.”

Ito ang pangako ni Bohol governor Erico Aumentado matapos patawan ng preventive suspension ng anim na buwan ng Ombudsman, kasama ang 68 na iba pang mga kawani ng pamahalaang panlalawigan.

Kasunod ito ng isinagawang imbestigasyon sa naturang resort na itinayo sa paanan ng Chocolate Hills, na isang protected area at kinikilalang isang national geographical monument ng UNESCO World Heritage.

Ayon sa ipinitaw na order of implementation ng Ombudsman, kabilang sa mga binigyan ng pansamantalang suspensyon ang ilang mga alkalde, bise-alkalde, regional officers ng DENR, DOST, Department of Agriculture, mga miyembro ng PNP at Office of Civil Defense.

Kasama rin sa suspensyon ang ilang mga barangay official.

Matatandaang nag-viral nitong 2023 ang isang promotional video ng isang resort na makikita sa paanan ng CHocolae Hills. Umani ito ng negatibong reaksyon mula netizens, mga personalidad, at government officials.