Bogus hearing? Pastor Quiboloy dededmahin Senate probe

Nanindigan si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apolloy Quiboloy na hindi niya haharapin ang imbestigasyon ng Senado hinggil sa mga reklamo laban sa kanya.

Nanindigan si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apolloy Quiboloy na hindi niya haharapin ang imbestigasyon ng Senado hinggil sa mga reklamo laban sa kanya.

Sa audio statement na na-post sa Buhay Kingdom 2024 Facebook page, inihayag ni Quiboloy na dadalo lamang siya sa pagdinig kung sa korte ito isasagawa.

“Go to court and file a case against me. I will answer you there because it would have fair play,” wika ng pastor.

Inilarawan din ni Quiboloy na “bogus” ang pagdinig na isasagawa ng Senado laban sa kanya.

“You already convicted me in your hearing; that’s wrong. I will not subject myself to unfair statements. I will not subject myself to injustices done under the cloak of a Senate hearing. But I will face you on one condition: I will face any of you even though you have 100 witnesses or pay 100 witnesses. I will face you anywhere, anytime in a court of law,” dagdag pa niya.

Nitong nakaraang linggo ay natanggap na ng kampo ni Quiboloy ang subpoena ng Senado. Nagbabala si Sen. Risa Hontiveros na maaaring ipaaresto si Quiboloy kung babalewalain nito ang subpoena.