Bloodletting activity, isinagawa ng Philippine Red Cross

Ayon sa Red Cross, mabuti sa katawan ang regular na pag-donate ng dugo.

LEGAZPI CITY – Inilunsad ng Philippine Red Cross (PRC) at SM City Legazpi nitong Miyerkules, Setyembre 27, 2023 ang isang bloodletting activity na ginawa mismo sa loob ng naturang mall.

Ayon sa Philippine Red Cross, layunin ng aktibidad na matugunan ang pangangailangan sa dugo ng mga Bicolanong pasyente, kaya patuloy silang nagsasagawa ng bloodletting activity.

Pinagpapasalamat din ng Philippine Red Cross na ilang taong rin nilang naging katuwang ang SM City Legazpi sa mga ganitong aktibidad.

Ilan sa mga boluntaryong nag-donate ng kanilang mga dugo ay mga kawani ng Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP), Philippine National Police (PNP) Buraeu of Fire Protection (BFP), Philippine Navy (PN), at ilang sibilyan.

“Be a Hero, Donate Blood” ang naging tema ng aktibidad.

Ayon kay SM City Legazpi Assistant Mall Manager Rachel Odda, ang aktibidad ay paraan din nila upang pasalamatan ang publiko na patuloy na tumatangkilik sa mall.

Magtatagal ang bloodletting activity hanggang sa Setyembre 28, 2023.