Biyaheng langit pala! Rider dinakip sa pagbebenta ng shabu

Kakaiba ang sideline ng isang motorcyle taxi rider dahil bukod sa paghahatid ng pasahero sa kanilang destinasyon, sa ibang 'biyahe' rin niya dinadala ang kanyang mga nasasakay.

Kakaiba ang sideline ng isang motorcyle taxi rider dahil bukod sa paghahatid ng pasahero sa kanilang destinasyon, sa ibang ‘biyahe’ rin niya dinadala ang kanyang mga nasasakay.

Nadakip sa buy-bust operation ang suspek na si Christopher Rivera, isang rider na rumaraket din bilang middleman ng isang drug supplier.

Ayon sa Quezon City Police District, dinadala ni Rivera ang kanyang mga pasaheri sa isang supplier para doon mabentahan ng shabu.

“Magkikita muna silang dalawa tapos yung pera dadalhin doon sa area kung saan dapat magkita sa bandang Caloocan. Pagkakita roon kukunin lang yung pera tapos following day na ide-deliver, pero yung suspek na ang magde-deliver sa tao,” saad ni QCPD-Station Drug Enforcement Unit chief PCapt. Glenn Gonzales.

Nakuhanan ang suspek ng 25 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P175,000.

Giniit naman ni Rivera na hindi siya sangkot sa bentahan ng iligal na droga.

“Driver po ako ng ano e ng habal po e service ko sana, yung ano nagpapahatid po lagi yun sa Caloocan e. Hindi ko po alam na may ganoon na po,” depensa ng suspek.