Biyahe ni PBBM sa Germany, Czech magbibigay maraming trabaho sa ‘Pinoy

Nagbunga ng libu-libong oportunidad at trabaho para sa mga Pilipino ang pagbitsa ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa bansang Germany at Czech Republic.

Nagbunga ng libu-libong oportunidad at trabaho para sa mga Pilipino ang pagbitsa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa bansang Germany at Czech Republic.

Ito ang naging pahayag ni House Speaker Martin Romualdez nitong Huwebes, Marso 14.

Ayon kay Romualdez, matapos ang naganap na bilateral meeting ni Pangulong Marcos kay German Chancellor Olaf Scholz, naimbitahan umano ang mga manggagawang Pilipino sa Germany.

Ibinaba na rin kasi ang mga patakaran sa pagpasok ng mga dayuhang manggagawa sa naturang bansa.

Samantala, sinabi rin ni Romualdez na humigit-kumulang 400,000 karagdagang manggagawa taun-taon ang kailangan ng Germany upang palakihin ang kanilang ekonomiya.