Bistado ang modus! Bumberong nangingikil kapalit ang padrino sa BFP, kalaboso

Na-recover sa kanya ang marked money na nagkakahalagang P400,000 mula sa nagpanggap na aplikante.

Sa kalaboso nauwi ang isang bumbero sa Zamboanga del Sur dahil sa pangongotong.

Kinilala ang suspect na si Fire Officer 3 (FO3) Jesson Casanes, nan aka-assign sa Isabela City Fire Station sa Basilan. Ang modus ni Casanes, mangangakong bibigyan ng recruitment slot ang mga nag-a-apply sa Bureau of Fire Protection (BFP) kapalit ang placement fee umano.

Batay sa ulat ni BFP-9 director Fire Chief Supt. Renato Marcial, naaresto si Casanes ng mga ahente ng Criminal Investigation and Detective Group – Zamboanga del Sur sa isang entrapment sa Purok Crossing, Barangay Sicade, Kumalarang nitong Lunes, Nobyembre 27.

Na-recover sa kaniya ang marked money na nagkakahalagang P400,000 mula sa nagpanggap na aplikante.

Pinaiimbestigahan na rin ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. ang naturang modus.

“This will send a strong message to the public that we do not tolerate our personnel to engage in this kind of malpractice,” paliwanag niya.

Bago si Casanes, may dalawa pang BFP personnel ang naaresto na rin dahil sa parehong modus.