Bise President Sara Duterte, nanindigan sa tamang paggamit ng confidential funds

Binigyang diin ni Vice President Sara Duterte sa budget hearing ng Senado na ginagamit ng Office of the Vice President ang confidential funds nito upang pondohan ang iba't ibang proyekto at programa ng nasabing opisina.

Ginagamit pangpondo sa iba’t ibang makubuluhang proyekto at programa ng Office of the Vice President (OVP) ang mga confidential funds ng opisina, ayon kay Bise Presidente Sara Duterte

Tiniyak ni Duterte nitong Lunes, Setyembre 4, na ang confidential funds na kanyang opisina ay ginagamit sa tamang paraan. Aniya, halos lahat ng major social welfare at public assistance programs sa ilalim ng OVP ay gumagamit ng mga nasabing pondo.

Ito ang mariing tugon ni Duterte kay Sen. Risa Hontiveros, na tinanong ang bise president kung pinopondohon ng mga confidential funds ang mga proyekto nito.

Naganap ang palitan ng dalawa sa budget briefing ng OVP sa Senado, kung saan binigyang diin rin ni Duterte na ang confidential funds ay ginagamit sa matagumpay na pagpapatupad ng mga proyekto, programa, at aktibidad” ng OVP.

Kabilang sa mga proyekto at programa ng OVP ay ang pagpapanatili ng kapayapaan sa mga komunidad, ang Pagbabago campaign kung saan namimigay ang OVP ng libreng school supplies, at ang PagbaBAGo: A Million Learners and Trees kung saan hinihikayat ang mga mamamayan na magtanim.

Mayroon ring feeding program (Pansarap) at libreng sakay ang OVP, na siya ring nagpapatakbo ng isang Disaster Operations Center.

“All of these activities use confidential funds,” paglilinaw ni Duterte.