Binuking ni Bato! Senador lalayas sa partido ni Digong

Ayon kay Senator Ronaldo "Bato" dela Rosa, isa pang senador ang hihiwalay na sa Partido Demokratiko Pilipino (PDP) ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Senator Ronaldo “Bato” dela Rosa, isa pang senador ang hihiwalay na sa Partido Demokratiko Pilipino (PDP) ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Base kay Dela Rosa, nakatakda kasing sumali sa administration party ang naturang senador.

Hindi na umano niya papangalanan ang senador, sa halip ay hayaan na umano ito ang siyang mismong mag-anunsyo sa kanyang pagkalas sa PDP.

“May mga manifestations pero it has to come from him officially kasi siya ang concerned. Mahirap sabihin ko na nagpapaalam siya tapos mamaya hindi pala tinuloy at he chooses to remain with the party then masusunog tayo,” wika nito sa DWIZ.

“Hintayin na lang natin official announcement niya,” dagdag pa ng senador.

Matatandaang nauna nang nagbitiw si Palawan Rep. Jose ‘Pepito’ Alvarez bilang presidente ng PDP; maging si Cebu Gov. Gwendolyn Garcia ay umalis na rin.