BINI magpapasiklab sa Araneta!

Attention mga ka-blooms!

Attention mga ka-blooms!

Wala nang makapipigil sa Nation’s Girl Group na BINI.

Ito ay dahil sa magsasagawa ng panibagong concert ang BINI sa mas malaking venue sa Araneta Coliseum sa Oktubre 4.

Isasagawa ang concert matapos ang matagumpay na tatlong gabing concert sa New Frontier Theater sa Quezon City.

“Blooms, see you on October 4, 2024 at the Araneta Coliseum!” pahayag ni BINI leader Jhoanna Robles.

“Sabi sa inyo may pasabog kami today eh.Exciting ito, Blooms. Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat,” dagdag ni Robles.

Sa Hulyo 11, opisyal na ilalabas ng BINI ang bagong single na “Cherry on Top.”