BINI, dinumog; MusiKalayaan concert pinatigil!

Nabulabog ang inaabangang performance ng P-pop girl group BINI sa MusiKalayaan concert sa Quirino Grandstand matapos maghayok ang ilang fans.

Nabulabog ang inaabangang performance ng P-pop girl group BINI sa MusiKalayaan concert sa Quirino Grandstand matapos maghayok ang ilang fans.

Nakatakdang mag-perform ang BINI pagkatapos ng speech ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa inihandang programa ng gobyerno sa paggunita ng Araw ng Kalayaan nitong June 12 sa Luneta Park.

Matapos kantahin ang hit song nilang “Lagi,” umapela ang nasabing P-pop group sa mga manonood na kumilos nang maayos dahil napansin nilang may nahimatay na fans dulot ng dami at gulo ng tao sa lugar.

Naging mas magulo ang mga tao kaya’t napagdesisyon ng mga organizer ng event na ipatigil ang performance ng BINI.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang BINI sa kanyang official Facebook page para sa mga fans at taga-suporta, at binigyang diin na mas mahalaga ang kaligtasan ng mga tao kaysa sa kanilang performance.

“Thank you to everyone who supported us tonight! However safety should always come first and we hope for your understanding. More chances to see each other real soon! We hope everyone gets home safely tonight. Thank you so much! Happy Independence Day,” saad ng grupo.