BINI Aiah may pakiusap sa fans: Respetuhin pribado naming buhay

Nakiusap si ang miyembro ng P-pop girl group na BINI na si Aiah Arceta sa kanilang mga tagahanga na respetuhin din ang kanilang pribadong buhay.

Nakiusap si ang miyembro ng P-pop girl group na BINI na si Aiah Arceta sa kanilang mga tagahanga na respetuhin din ang kanilang pribadong buhay.

Sa Instagram, nag-iwan ng mahabang mensahe si Aiah ukol umano sa kanyang pagiging tahimik sa social media.

Aniya, marami umanong nangyayari sa kaniyang pribadong buhay kaya pinili niyang magpahinga muna.

“I haven’t been active lately on social media and I haven’t been very responsive to messages, even from some of my family and friends. The truth is, a lot of things have been happening lately, and I just needed some time and space to process them,” paliwanag ng dalaga.

Pinasalamatan din nito ang lahat ng tao na patuloy pa ring nakasuporta sa kanya.

Samantala, ikinuwento rin ni Aiah ang nangyari sa kanyang pagbabakasyon kasama ang pamilya’t kaibigan.

Naging masaya naman umano siya sa trip, subalit may pagkakataon na na-invade ang kanyang personal space.

“Some would directly run up to me, grab a photo (even while I was eating), post it in real-time, use my face and post it on pages or places for the sake of clout and publicity without my consent, and worse, some would even include the real-time location, which I don’t think is safe,” sey nito.

Paglilinaw pa ni Aiah, gusto niyang makilala ang lahat ng lumalapit sa kanya, subalit sana’y respetuhin din umano sila ng mga ito bilang isang tao.

“You never know how much it could take a toll on somebody and affect them on a daily basis. I hope we can fill this world with love, respect, and positivity,” dagdag pa ng dalaga.