Binay bumanat kay Cayetano: “Bongga ka na dong!”

"Kung alam ko lang 'di sana bumalik ako sinabi na 'bongga ka na dong'."

“Kung alam ko lang ‘di sana bumalik ako sinabi na ‘bongga ka na dong’.”

Ito ang tirada ni Senator Nancy Binay kay Senator Alan Peter Cayetano matapos tawagin siya ng huli na “buang ka na day” nang magkairingan sa pagdinig ng ‘di umanong overprized na new senate building.

Nilinaw ni Binay na hindi siya nag-walk out pagkatapos ng hearing at mas lalong hindi niya narinig na sinabihan pala siya ni Cayetano ng “buang.”

“Kaya tayo tumayo na kasi i’ve already made my point. In fact nag-thank you pa nga ako sa kanya bago ako tumayo dahil nasagot naman ng DPWH ang tanong natin kung sa records ba nila, yung amount na sinasabi nila is part of their records,” sabi ni Binay.

“Hindi ko alam napanood ko na lang pagkatapos ng hearing na tinawag pala ako buang ka na day. Sayang. Kung nandun pa pala tayo di sana nasagot ko siya na Bongga ka dong!” dagdag ng senadora.

Giit ni Binay, hindi siya napikon sa sinabi ni Cayetano dahil alam niyang nasa side siya ng katotohanan.

Tinawag niya ring duling si Cayetano dahil malinaw na nakasaad sa dokumentong iprinesenta sa pagdinig na P21-B ang magagastos sa new senate building at hindi P23-B.

“E, ‘di ko din maintindihan kasi ininsist niya ang P23 pero doon si hearing kahapon wala na kung siya napakitang dokumento na may P23 unless naduduling na siya ang bansa niya sa 21 ay 23,” aniya.