Binatilyong rider, patay matapos sumpalpok sa poste sa Naga City

Tinutukoy pa ng mga awtoridad kung nakainom ba ng alak ang biktima.

CAMARINES SUR- Hindi na umabot pang buhay sa Bicol Medical Center ang isang estudyante sa Lsungod ng Naga makaaraang sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang poste sa harap ng Eternal Garden Cemetery sa Balatas Road, mag-a-alas-5:00 ng madaling araw nitong Linggo, October 8, 2023.

Kinilala ang biktimang si Danmil Viruz, 19-anyos ng Barangay San Felipe.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), isang concerned citizen ang nagpaabot sa kanila ng impormasyon kung saan naabutan pa nilang duguan at walang malay ang biktima.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng awtoridad ang sanhi ng aksidente at kung nasa impluwensya nga ba ng alak ang biktima.