Binatilyo, patay sa panambang; isa sa mga suspek, kandidato sa pagka-punong barangay sa Baleno, Masbate

Dead on the spot ang isang 23-anyos na binata matapos pagbabarilin habang naglalakad sa Barangay Kahonday, Bayan ng Baleno, Masbate, pasado alas-9:00 ng gabi, Lunes, September 11, 2023.

Dead on the spot ang isang 23-anyos na binata matapos pagbabarilin habang naglalakad sa Barangay Kahonday, Bayan ng Baleno, Masbate, pasado alas-9:00 ng gabi, Lunes, September 11, 2023.

Ayon kay Police Captain Anthonio Padilla Jr., Officer in Charge (OIC) ng Baleno PNP, agad silang nagsagawa ng imbestigasyon at Hot Pursuit Operation upang mahuli ang tatlong salarin na positibong kinilala ng mga nakasaksi sa pamamaril.

Lumalabas sa otopsiya na tatlong tama ng bala ng kalibre .45 ang ikinamatay ng biktima. Narekober naman sa bulsa ng biktima ang isang magazine, mga bala at isang balisong.

Agad rin namang nahuli sa Hot Pursuit Operation ang isa sa tatlong suspek noong September 13, 2023 at sinampahan na ng kasong Murder.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang ginagawang paghahanap sa dalawang suspek kung saan isa sa kanila ay kandidato sa pagka-punong barangay sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.