Binabantayang LPA sa Visayas, bagyo na!

Ganap nang naging Tropical Depression ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur at pinangalanang "Aghon," ayon sa PAG-ASA.

Ganap nang naging Tropical Depression ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur at pinangalanang “Aghon,” ayon sa PAG-ASA.

Nitong madaling araw, namataan ang bagyo sa layong 350KM silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur na may lakas na hanging papalo sa 45 km/h malapit sa gitna at bugsong aabot sa 55 km/h.

Bagama’t wala pang itinataas na typhoon warning signal, makararanas ang Eastern Samar at Dinagat Islands ng katamtaman at malakas na pag-ulan na posibleng magdulot ng pagbaha at landslide.

Gumagalaw pa-kanluran, hilagang kanluran si Aghon at inaasahang magla-landfall sa Eastern Samar ngayong Sabado ng umaga.

Samantala, mananatiling nakakaapekto ang easterlies sa buong bansa.