Binabantayang LPA, nalusaw na!

Ayon sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), tuluyan nang nalusaw ang binabantayang low pressure area (LPA).

Ayon sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), tuluyan nang nalusaw ang binabantayang low pressure area (LPA).

Ang Bicol region, Eastern Visayas, Caraga at Davao region ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan dahil sa easterlies. Posible ang pagkakaroon ng flash floods o landslides dahil sa inaasahang malakas na pag-ulan.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay may maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan o pagkulog dahil sa epekto ng localized thunderstorms.

Samantala, wala namang nakikitang panibagong sama ng panahon, kaya’t asahan ang maaliwalas na panahon sa malaking bahagi ng bansa.