Billy Crawford umaming ‘adik’!

Hindi sa iligal na droga, kung hindi sa kanyang pamilya at trabaho ang isinagot ni Billy Crawford ukol sa patuloy na kumakalat na isyung siya raw ay adik.

Hindi sa iligal na droga, kung hindi sa kanyang pamilya at trabaho ang isinagot ni Billy Crawford ukol sa patuloy na kumakalat na isyung siya raw ay adik.

Sa panayam sa “24 Oras,” matapang na hinamon ni Billy ang lahat ng pumupuna sa patuloy na pagbaba ng kanyang timbang.

Aniya, handa siyang magpa-drug test upang mapatunayan na hindi siya gumagamit ng iligal na droga.

Sa katunayan nga raw niyan ay hindi na siya naaapektuhan sa tuwing inaakusahang adik, dahil alam umano ng mga nakakakilala sa kanya na hindi siya ganun.

“It used to faze me. It used to get me. It used to may kurot ng konti. Pero now, it really doesn’t anymore. Nakakatawa na lang. Sa mga nakakakilala sa akin, I am by far one of the few artists who are the ones who don’t try drugs,” sey nito.

“We can all take a strand of our hair and do tests ngayon din. Puwede kong hamunin lahat ng tao dito ngayon. No problem. I have nothing to hide,” paghahamon pa ni Billy.

Dagdag pa ni Billy, sa kanyang pamilya at trabaho siya nakatuon ngayon.

“Hindi po ako adik. Adik ako sa pamilya ko. Adik ako sa trabaho ko, and that’s it. I’m living, I think, my life to the fullest right now,” giit nito.