Bili na baka magmahal pang lalo: Presyo ng bilog na prutas, nagtaasan na

Karaniwang bumibili ang mga Pilipino ng bilog na prutas gaya ng ponkan, ubas, at chico dahil sa paniniwalang magdadala ang mga ito ng swerte sa Bagong Taon.

Nagsimula nanh tumaas ang presyo ng mga bilog na prutas ilang araw bago mag-Bagong Taon.

Ang presyo ng ubas sa Divisoria ay pumapatak na sa P200 kada kilo mula sa P150. Samantala, ang ponkan, mansanas, at kiwi na karaniwang binebenta ng P50 kada apat na piraso ay P100 kada tatlong piraso na. Pumapalo na rin ng P50 kada tatlong piraso ang lemon.

Halagang P100 kada kilo naman ang bentahan ng chico at dalandan.

“Laki ng tinaas [ng prutas para] sa isang kahon kasi 100 ang tinaas eh. Minsan 200,” sabi ng tinderang si Liza Corañes.

Karaniwang bumibili ang mga Pilipino ng bilog na prutas gaya ng ponkan, ubas, at chico dahil sa paniniwalang magdadala ang mga ito ng swerte sa Bagong Taon. Hinahain ang mga ito kasama ang tradisyunal na Media Noche.