Bilang ng tambay sa ‘Pinas nabawasan – PSA

Bumaba ang bilang ng mga walang trabaho sa Pilipinas sa buwan ng Pebrero, batay sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Bumaba ang bilang ng mga walang trabaho sa Pilipinas sa buwan ng Pebrero, batay sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay PSA chief Claire Dennis Mapa, mula 2.15 milyon noong Enero ay 1.80 milyon na lamang ang walang trabaho sa bansa noong Pebrero.

Mas mababa rin ito kumpara sa parehong buwan noong 2023, kung saan 2.47 milyon ang naitalang walang trabaho.

Sa kabuuan, 50.75 milyong Pilipino ang nasa labor force, kung saan 3.5% lamang ang walang trabaho, mas mababa kumpara sa 4.5% nitong Enero.

Samantala, ang bilang naman ng may trabaho ay umakyat sa 48.95 milyon, o 96.5% ng labor force.

Ayon sa PSA, dahilan umano ng pagdami ng may trabaho ang pagbabalik eskwela ng mga estudyante at ang panahon ng anihan.