Bilang ng Pilipinong nagugutom, bumaba sa huling tatlong buwan—SWS

Ayon sa naturang survey, bumaba ang hunger incidence mula 10.4% noong ikalawang yugto ng 2023 pababa sa 9.8% mula Hulyo hanggang Setyembre.

Bumaba sa 9.8 % ang mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng “involuntary” hunger sa ikatlong yugto ng 2023. Iyan ay ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 1.

Ayon sa naturang survey, bumaba ang hunger incidence mula 10.4% noong ikalawang yugto ng 2023 pababa sa 9.8% mula Hulyo hanggang Setyembre.

“The 0.6-point decline in Overall Hunger between June 2023 and September 2023 was due to declines in the Visayas and Balance Luzon, combined with a rise in Metro Manila and a steady score in Mindanao,” paliwanag ng SWS.

Batay sa datos, pinakamarami ang nakaranas ng gutom sa Metro Manila (17.3% kumpara sa 15.7% noong Hunyo 2023).

Samantala, bumaba naman ang bilang ng mga nakaranas ng gutom sa Balance Luzon (10.3% ngayon kumpara sa 11.3% nung nakaraan), Visayas (6.7% mula 9.3%), at Mindanao (6.7% mula 6.3%).