Dumaraming mangingisdang ‘Pinoy sa Bajo de Masinloc, ikinatuwa ng BFAR

Ikinatuwa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagtaas ng bilang ng mga mangingisdang Pilipino sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Ikinatuwa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagtaas ng bilang ng mga mangingisdang Pilipino sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Bunsod ito ng mas pinalakas na presensya ng BFAR, Philippine Coast Guard, at Sandatahang Lakas sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay BFAR Spokesperson Nazario Briguera, mas mataas ngayon ang bilang ng mga mangingisdang Pilipino na nabibigyan nila ng tulong sa WPS.

“Kumpara sa nakaraan nating misyon, mas nadagdagan ang mga Filipino fishing boats na nabigyan ng ayuda. From 21 nung nakaraan, ngayon ay nasa 44,” ani Briguera sa isang interbyu sa dzBB ngayong Linggo.

“Magandang senyales ito na ibig sabihin nadagdagan ang mga mangingisda natin na nangingisda doon sa Bajo de Masinloc,” dagdag pa nito.