Bilang ng kumpirmadong nasawi sa landslide sa Maco, Davao de Oro nasa 35 na, mahigit sa 77 patuloy na nawawala

Noong biyernes isang batang babae ang natagpuang buhay mula sa guho kaya umaasa ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na makukuha pa silang survivor.

Umakyat na sa 35 ang bilang ng nasawi sa landslide sa Maco, Davao de Oro.

Kinumpirma ng Davao de Oro provincial government ang pagka-recover sa mga bangkay sa patuloy na search and rescue operation mula sa ground zero o sa pinangyarihan ng pagguho.

Ayon sa LGU sobrang kapal ng lupa na kailangang hukayin ng mga rescuer bago makuha ang mga biktima.

Tinatayang nasa 77 ang nawawala matapos ang pagguho.

Pansamantalang itinigil ang search and rescue nitong sabado dahil sa magnitude 5.8 na lindol sa Agusan del Norte at Agusan del Sur.

Noong biyernes isang batang babae ang natagpuang buhay mula sa guho kaya umaasa ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na makukuha pa silang survivor.