Bilang ng kaso ng ‘pertussis’ tumataas – DOH

Tumataas ang bilang ng kaso ng pertussis o whooping cough disease, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH).

Tumataas ang bilang ng kaso ng pertussis o whooping cough disease, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH).

Ito ay matapos makapagtala ang 10 rehiyon sa bansa ng positibong kaso ng naturang sakit.

Sinabi ni DOH Undersecretary Eric Tayag na inaasahan ng ahensya na patuloy na tataas ang bilang ng mga kaso, lalo na sa mga bata.

“Halos 10 rehiyon ang may pagtaas sa kaso ng pertussis. Dito sa NCR, nagpa-plateau. Ibig sabihin, hindi tumataas kagaya ng inaasahan natin,” pahayag ni Tayag.

Sa ngayon, nasa kabuuang 453 na ang tinamaan ng naturang sakit sa loob lamang ng unang 10 linggo ng 2024, kung saan 35 dito ang nasawi.