Bilang ng ‘gun crime’ sa bansa patuloy na bumababa — PNP

Nananatiling mababa ang bilang ng mga krimen na may kinalaman sa baril sa Pilipinas, ayon sa pahayag ng Philippine National Police (PNP).

Nananatiling mababa ang bilang ng mga krimen na may kinalaman sa baril sa Pilipinas, ayon sa pahayag ng Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo sa isang press conference, patuloy umano ang pagbaba ng gun-related crimes sa bansa sa nakalipas na dalawang taon.

Ngayong taon ay naitala ang 808 krimen na may kinalaman sa baril, mula sa 5,172 insidente noong 2022 at 4,956 insidente noong nakaraang taon.

“The nature of these incidents, majority of these are shooting incidents, alarm and scandals, grave threats, robbery,” ani Fajardo.

Samantala, nasa bilang na 3,792 gun-related crimes na ang naipasa sa korte ngayong taon.