Bilang na ang mga araw n’yan! Insurgency sa Western Visayas, dudurugin ng gobyerno—PBBM

Kumpiyansado si Pangulong Ferdinand R. Marcos na masusugpo na ng pamahalaan ang mga rebeldeng komunista sa Western Visayas.

Kumpiyansado si Pangulong Ferdinand R. Marcos na masusugpo na ng pamahalaan ang mga rebeldeng komunista sa Western Visayas.

Story text:

Tiwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magiging insurgency-free ang Western Visayas.

Sinabi ni Marcos sa isang situation briefing kasama ang military officials sa Camp General Macario Peralta Jr. sa Capiz na maaaring masugpo ang insurgency in Region 6 dahil sa lumiliit na bilang ng mga grupong komunista rito.

“We must keep on going and we’ll wait for your invitation to come back when you declare this area insurgent-free… I think it’s achievable,” sabi ni Marcos.

Bagaman masaya sa mga peace-keeping efforts ng militar sa Western Visayas at sa walang tigil na paglaban nito sa mga rebeldeng komunista, binigyang-diin ng pangulo ka kailangan siguraduhing hindi na mapopondohan ng mga grupong ito ang kanilang mga iligal na aktibidad.