Bilang na ang maliligayang araw n’yo! PBBM administration, hindi tatantanan ang mga smuggler, kartel ng pagkain na nagpapahirap sa Pilipino—Romualdez

Malaking tulong ang isinagawang malalimang imbestigasyon ng House agriculture committee, na nakatulong sa pagbuo ng matibay na kaso laban sa kartel ng sibuyas, ayon kay House Speaker Martin Romualdez.

Patuloy na minamatyagan ng gobyerno ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng mga produktong agrikultura, ayon kay House Speaker Martin Romualdez.

Ginawa ni Romualdez ang pahayag matapos ang pagsampa ng kaso ng Department of Justice (DoJ) and the National Bureau of Investigation (NBI) laban sa mga sangkot sa pagtaas ng presyo ng sibuyas noong nakalipas na taon.

Bunsod rin ang pagsampa ng kaso sa ginawang imbestigasyon ng House agriculture committee tungkol sa insidente, na nakatulong sa pagbuo ng kaso laban sa mga suspek, ayon sa opisyal.

“We welcome this result and we expect prosecutors to make the charges stick. We will continue to monitor prices and we will not hesitate to exercise our power of oversight by conducting an investigation and prodding agencies so we can protect the public from high prices and inflation,” sinabi ni Romualdez.

Pinasalamatan rin ni Romualdez sina House agriculture committee chair at Quezon Rep. Mark Enverga at Marikina Rep. Stella Quimbo na nanguna sa pagbunyag sa mga namumuno sa kartel ng sibuyas.

Kinastigo rin ni Romualdez ang mga opisyal ng Department of Agriculture na sangkot sa anomalya.

“As public officers, we are expected to protect our people, not to make them suffer from abusive and illegal practices,” aniya.